From: Ingga Bianca Sobreikerri of St. Scholastica College:
Question: Senator, kayo po ba ay sang-ayon sa Reproductive Health Bill at paano po ninyo ilulunsad at ipaliliwanag sa ating mga kababayan ang ganitong batas gayong ang inyong pamilya ay kilala bilang maka-Diyos?
Senator Noynoy Aquino:
Ang posisyon po namin ay tinatawag na responsible parenthood, ang statistics po namin ay ganito, ang sabi po kanina ng isa nating katunggali wala po tayong population problem. I think we will all agree that if you at one parameter for instance education, there is a problem in classrooms anywhere from 20 to 40 thousand, we are not already able to meet the needs of the people who are already here and that responsible parenthood basically says each parent should be reminded, ipaalala natin sa bawat magulang may dinala kayong anak sa mundong ito, mayroon kayong obligasyon na paaralin, pakainin, may tirahan na maayos, damitan at iba pa.
Hindi po puwdeng bahala na kung ano ang mangyari dun sa anak, yun lang po ang minumungkahi namin. Ngayon po, ano ang solusyon po diyan? Mayroon po tayong educational campaign na ipapaalala po itong mga responsibilidad na ito, yung paghuhubog ng konsensiya at yung values po, iniimbitahan po natin ang bawat isang simbahan na maki-lahok at ibahagi yung kanilang mga pagtu-turo para maliwanagan yung paghuhubog ng konsensiya, nasa atin pong Saligang Batas na mayroon pong separation of Church and State, tayo ay isang demokratikong bansa, hindi po marapat na ang gobyerno po natin ay magdi-dikta sa sinoman kung ilan ang anak na dapat nilang dalhin sa mundo, kung paano nila pa-planuhin ang kanilang pamilya, pero mayroon pong obligasyon nandiyan pos a Saligang Batas na ang gobyerno, ipaalala sa bawat isa na mayroon po tayong tungkulin sa pamilya na nagiging “nuclear family” o susi sa lahat ng pagre-resolba sa lahat ng ating problema.
Huling paalala lang po, noong EDSA po, mayroon tayong humigit kumulang 50 milyon katao,ngayon po ay nasa 93 hanggang 97 ang tinatayang mga mamamayang Pilipino. Geometric ang progression sa population at kung tayo ay parang walang nakikita, walang sasabihin at walang naririnig, siguro po yung mga bata na hindi na nagkakaroon pagkakatong matunghayan ay lalong hindi magkakaroon ng pagkakataon kung tayo’y patuloy na mananahimik.
PANEL NG MGA LA SALLE STUDENTS:
Question: Sa pagpasa ng batas ukol sa contractual employment sa mga kumpanya, paano po ninyo ire-resolba ang mga issue ng security of tenure o employment sa ating bansa?
Senator Noynoy Aquino:
Yun nga po ang problema, contractualization does not have security of tenure that there will be mutually exclusive, ang tanong nga po dito, mayroong kontrang isyu po dun yung comparative advantage natin versus other countries, labor lang po for the most part ang ating dear value added, tapos we’re pricing ourselves out of the market, yung aming plataporma, stresses education and education enhances the skills, the skills and job potentials that will open up because of an enhance and more skill full labor force hopefully will ensure the tenure and potentials for having meaning full and dignified jobs here in the country and as well as abroad.
Gusto kong sugpuin ang “contractualization” at the same time ayoko namang patayin yung mga negosyo na kakaunti na lamang nandiyan na ang dami na nga pong lumikas sa ating bansa, wala naman ho talagang makikita sa solution sa extreme positions, saan ba yung happy compromise dito? Natutugunan yung kapakanan ng mga manggagawa, natutugunan din naman yung pangangailangan ng mga negosyo para maka-compete sa global market, huwag po nating kalimutan malapit na po tayong ma-obliga under various treaties na magbukas ng ating mga pinto sa dayuhang mga kalakal at mga produkto, so kailangan na po tayong maka-laban sa ating domestic market at mangyayari po yan, kung talagang naka-focus, yung isa po saking mga panukalang batas yung kung paano ibalik yung konspeto ng bawat kompanya na ang pananawa dapat ay hindi kayo o kami kapag nagtutugunan at nag-uusap ang management at labor pero bumalik tayo dun sa tayo, kompanya natin ito, paano natin palalaguin ito? Ang mga minungkahi natn dito ay yung productivity incentive.
Question: Sinabi po ninyo sa inyong palatastas na hindi po kayo magnanakaw, pero paano naman po ang ibang opisyal? Ang taong ko po, mayroon na po kayong nagawang kongkretong mga paraan bilang isang mambabatas para siguraduhing mahuli at mapanagutan ng mga ahensiya o mga opisyal na napatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan o naging kasama sa katiwalian?
Senator Noynoy Aquino:
Salamat sa tanong mo, palagay ko naman hindi ka absent nung nandoon tayo sa mga ZTE hearing, nandoon tayo kasama sa impeachment, nagtatanong tama ba yung paratang dun sa hello Garci, among other things, kasama ako sa impeachment for that matter, sinubukan narin nating iwasto yung sistema, doon sa AFP, DND budget, pagka-tagal tagal, 1974 pa po, hindi po subject to public bidding yung kanilang paggugol ng budget na yun, isang taon po ay umabot ng P1.8 billion ang tinatayang savings is between 5 to 10 percent, we could have save a hundred and 80 million and devoted it to something else. Pero ang dulo po nun, I think I have proposed an amendment accepted to GAA for something like 9 or 10 budget seasons already kaya lang pinapalusutan at ginagawaan ng paraan para magkaroon ng failure of bidding, ang dami pa po nating ginawa, na hindi lang tayo naging interesadong itaas yung sarili nating bangko dahil tumutugon lang po ako sa ipangako ko na paglilikungkuran ang taong bayan, hindi ko na kailangan pang ipagmalakihan pa kung ano iyong ating nagawa.
TED FAILON / QUESTION: Mayroon bang nagawa si Pangulong Arroyo na dapat niyang panagutan pagkatapos ng kanyang term?
Senator Noynoy Aquino0:
Sa akin po pananaw, YES. Ang problema po dito….
TED Failon: Kung YES sa paano pong paraan?
AQUINO:
Dapat po magkaroon tayo ng closure sa lahat ng issues, ang issue nga po dito yung kulang ng transparency, mayroon po tayo for instance yung fertilizer scam na kalian naimbestigahan, 4 years after the crime was committed, kailangang may katiyakan sa kaparusahan, kung tao po ay hindi mamamansin dito sa mga issues na walang closure, para narin nating sinabi na ituloy natin itong sistema na mali sa atin pong palagay. Paano natin hahabulin yan? Nandiyan po ang ating mga korte, nandiyan po yung ating mga investigative arms, pero may obligasyon din naman tayo na protektahan ang karapatan ng lahat, dahil sabi nga po ng aking ama, yung pagtatanggol sa karapatan lalo ng kalaban mo ang talagang batayan kung talagang may demokrasya o wala, yun po ang hahabulin natin.
Pangako ko po ay closure on all of the issues, kailangan pong magkaroon ng resolution kung sino ang may kasalanan ay kailangang may tiyak na kaparusahan.
Ted Failon: Ginoong Aquino, ano po kaya ang pinakamabigat na isyu na dapat nyang panagutan?
Sen. Noynoy Aquino: Napakahaba po ng listahan, baka kulangin po tayo.
Ted Failon: Isa lang po.
Sen. Noynoy Aquino:
I think she has destroyed a lot of institutions that we have replied upon to have a vibrant and functional democracy. Ang dami na hong nagkwestiyon. Pati simbahan kinukwestyon. Pati ang ating mga korte nakukwestiyon. Dulo po nito, may gagawing kasalanan, sasabihing sagot pulitika lamang at parati hong nabibinbin na malaman natin ang katotohanan. Tuloy yung dapat mali ay tila sa ating pananaw ay naging sistema na. Naging syang palakad at kalakal po sa ating bansa na talagang nagpapahirap sa ating mga kababayan.
Last words of Sen. Noynoy Aquino:
Magandang hapon ho sa lahat. Ako’y nagpapasalamat sa pagkakataong ito. Palagay ko po ang pinuno, klaro ang mga posisyon sa lahat po ng isyu. Mahirap po sundan kung pabago-bago o naliligaw paminsan-minsan at bumabaliktad ang kanyang mga desisyon. Sa katanungang mayroon bang kasalanan si G. Arroyo, dapat mayroon tayong paninindigan. Tama o mali ikaw ang mgadidikta sa buong gobyerno kung uusigin o hindi. Pag tayo po ay sasagot na nakakakaba ng konti, bakit ang unang papasok sa ating kaisipan ay hindi ko idedepensa ang sagot ng isang katunggali. Bakit ho depensa kaagad kung gayong nasa oposisyon sya? Kailangan ho suriin natin kung ano ang pinanggalingan natin, dahil sinasabi ng lahat, marami ang mali sa kasalukuyang sistema. Tayo ho ba ay nagpanatili sa sistemang yun o tinututulan natin yung mali? Pakitingnan po ang aming mga record. Maraming salamat sa lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment