header-photo

Aquino, Inilatag Ang Planong Reporma sa Edukasyon

Inilatag na ni Liberal Party Standard-Bearer Sen. Noynoy Aquino ang kanyang 10-point agenda sa pagrereporma sa sistemang pang-edukasyon ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng Coordinating Council of Private Education Institutions o COCOPEA kahapon, sinabi niyang nais niyang maging patas ang laban sa pagitan ng mga mag-aaral sa pribado at sa pampublikong mga paaralan.

Una sa kanyang plano ay gawing 12-year cycle ang basic education, mula sa kasalukuyang 10 taon, sang-ayon sa global standards.

Aniya, ang mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan na may 12-14 taon ay mas nakakuha ng magandang trabaho, at nais niyang ganoon din ang maranasan ng mga batang nasa mga pampublikong paaralan dahil mula sila sa mahihirap na pamilya.

Bukod dito, ang iba pang repormang isinusulong ni Aquino sa sektor ng edukasyon ay:

* Unversal pre-school;
* Sistemang Madaris Education para sa mga kababayan nating Muslim;
* Technical-Vocational learning sa High School;
* “Every Child a Reader” na programa sa Grade 1;
* Pagpapalakas sa Science and Math curriculum;
* Isang milyong iskolar sa mga pribadong high school sa pamamagitan ng pagreporma at pagpapalawig sa sistemang GASTPE;
* Paggamit ng “mother tongue” o wikang kinalakhan sa pagtuturo sa mga bata mula pre-school hanggang grade 3;
* Paglupil sa mga palpak na textbook at mas mahigpit na pagseguro sa kaledad ng mga ito;
* Higit na pakikipag-partner sa mga local government units para dumami pa ang mga paaralan at matanggal ang classroom shortage.

Para kay Aquino, reporma sa edukasyon ang “long-term” na solusyon ng kanyang magiging administrasyon sa malawakang problema ng kahirapan at kawalan ng trabaho.

0 comments:

Post a Comment