header-photo

Noynoy Aquino on Administration’s “Secret Candidate”

Transcript of Sen. Noynoy Aquino’s response in an interview at the Senate Plenary, Feb 2, 2010

Reporter/question: Senator, ano po ang masasabi at reaction ninyo tungkol po sa sinasabi kahapon ni Sen. Jamby Madrigal na si Senator Manny Villar daw po ay “secret candidate” ng administration?

Senator Noynoy Aquino: Marami tayong naririnig, pero hanggang walang pruweba siguro hindi naman tayo puwedeng mag-akusa, pero ang masasabi ko lang po. May isang okasyon, kung saan medyo nagulat ako ng kaunti matapos niyang banggitin na… Tinanong kasi siya kung ano ba ang gagawin niya (Sen. Manny Villar) kay Pangulong Arroyo pagkatapos ng pagbaba nito sa puwesto kung sakaling kayo ang palarin?

Ang naging sagot po niya ay hindi daw niya (Villar) ipagtatanggol si Gng. Arroyo, ngayon, nagulat lang ako dahil kasama ko siya sa ticket noon ng Genuine Opposition (GO) at inaasahan natin na pareho ang pananaw namin at iba doon sa pananaw ni Mrs. Arroyo at oppose tayo sa kanyang “style of governance” tapos ang kanyang bukang bibig ay “hindi ipagtatanggol”. I think he said it in English: “I will not lift a finger to defend her”, so I’m curious so why would that be the answer of somebody who is in the opposition?

Pero other than that, tignan po natin ang mga susunod na araw. Kami lang po sa LP ay tila ay pina-iinit po ang sitwasyon, number one: yung pong mga Chief of Police ng mga governor namin, mga mayor at mga provincial director ay may halos 20 ang pinagpapalitan, yung iba po doon ay halos 4 na buwan pa lamang nagsisilbi pero hindi pa mag-aapply yung 2-year rule pero tinanggal parin.

Seeming common denominator ay puro lahat kapartido namin other than anything, nasa Pasig at Marikina kami noong nakaraang linggo at nagre-reklamo yung aming mga local na kandidato na ayaw daw kaming bigyan ng venue, yung isang barangay captain suwerte kamag-anak ng kandidato namin, pinahiram yung jeep, pero other than that. Ang daming harassment, reminiscent of the period of martial law, yung freedom of speech is reserve for the allies of this government.

0 comments:

Post a Comment